BBM dadalo sa APEC Summit sa Nobyembre

BBM dadalo sa APEC Summit sa Nobyembre

June 8, 2022 @ 12:06 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Dadalo si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand ngayong Nobyembre, sinabi ng kanyang tanggapan ngayong Miyerkules.

Si Marcos ay personal na inimbitahan ng Thai Chargé d’ Affaires Thawat Sumitmo sa APEC Summit na gaganapin sa Nobyembre 18 hanggang 19.

Ayon sa tanggapan ng Marcos, inimbitahan siya ng Thailand government sa courtesy call ng ASEAN Ambassadors noong Hunyo 6.

Magho-host ang Thailand ng APEC Summit ngayong taon na may layuning tumuon sa kahalagahan ng pagpapadali sa pagpapatuloy ng ligtas at maginhawang paglalakbay sa iba’t ibang hangganan upang mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng rehiyon mula sa pandemya ng COVID-19. RNT