BBM ‘di gagawa ng hateful campaigning – spox

BBM ‘di gagawa ng hateful campaigning – spox

January 27, 2022 @ 4:42 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya sasabak sa “hateful campaigning” kaugnay ng remark sa kanya ni Vice President Leni Robredo na ‘liar.’

“What presidential aspirant Bongbong Marcos is offering to the Filipino people is his unifying brand of leadership,” lahad ng tagapagsalita nito na si Attorney Victor Rodriguez.

“He does not and will not engage in negative and hateful campaigning,” dagdag pa nito.

Sa kamakailang panayam kay Robredo, hindi aniya dapat iboto si Marcos dahil sa isa itong sinungaling at hindi lumilitaw tuwing may mahihirap na sitwasyon.

Maaalalang hindi rin ito dumalo sa panayam ng mamamahayag na si Jessica Soho dahil sa iginiit ng presidential aspirant na ito ay bias sa pamilya Marcos. RNT/FGDC