BBM kay Sara: Happy birthday ‘BFF’

BBM kay Sara: Happy birthday ‘BFF’

May 31, 2022 @ 12:28 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinawag ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na kanyang “BFF”, kasabay ito ng pagdiriwang ng huli ng kanyang ika-44 kaarawan.

Ang BFF ay nangangahulugan na “Best Friend Forever.”

“Happy Birthday Mme Vice President!” ang pahayag ni Marcos sa kanyang Facebook post.

“Cheers to the best running mate and BFF anyone could wish for!” aniya pa rin.

Matatandaang, noong nakaraang taon, nanguna ang magkapatid na Imee at Bongbong Marcos sa paglipad sa Davao City para personal na batiin sa kaniyang kaarawan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sabado pa lang, Mayo 29, 2021, magkakasama nang nananghalian sina Duterte-Carpio, Imee, at Bongbong para ipagdiwang ang ika-43 birthday ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mayo 31, ang mismong kaarawan ng alkalde.

“I would like to thank Sen. Imee and former Sen. Bongbong Marcos for their birthday greetings and my husband for the lunch he hosted,” sabi ni Duterte-Carpio.

Pinasalamatan naman ng mayora ang mga supporters niya na nag-virtual concert noong Linggo para sa kaniyang birthday. Pinaalalahanan niya ang lahat na manatiling ligtas.

Personal namang bumati si House Majority Leader Martin Romualdez kay Duterte-Carpio. Si House Speaker Lord Allan Velasco naman, bumati rin bitbit ang mga pirmadong birthday greetings ng mga kongresista. Kris Jose