BBM NAGPASALAMAT AT NATUWA SA PAG-ENDORSO NG PDP-LABAN

BBM NAGPASALAMAT AT NATUWA SA PAG-ENDORSO NG PDP-LABAN

March 28, 2022 @ 10:40 AM 3 months ago


NANINIWALA si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong” Marcos na ang pag-endorso sa kanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Cusi Faction ay mahalagang hakbang tungo sa matagal nang inaasam ng UniTeam na tuluyang pagkaisahin ang bansa.

“Ang bagong development na ito will consolidate the forces of unity so that we can continue to work against those who would want to divide Filipinos against each other,” sabi ni Marcos sa isang ambush interview sa kanya.

“That is what we have been campaigning for and that is our mes-sage,and that is our dream, that we bring the country together,” dagdag pa ni BBM.

Sinabi pa ng premyadong kandidatong si Marcos na ang pag-endorso sa kanya ay nagpatunay ng maganda niyang relasyon sa PDP-Laban.

“This is an important step in that regard, maraming-maraming salamat sa PDP at sa lahat ng kanyang miyembro. I look forward to working with them,” saad pa ni Marcos.

Dagdag pa ni Marcos, “Magkakaibigan naman talaga kaming lahat, parang na-formalize lang ang aming relation, our personal relationships with the PDP-Laban.”

Ayon pa kay Marcos, masaya siya at lubos na nagpapasalamat dahil ito ang matagal na niyang hinihintay.

“Malaking pasasalamat namin sa lahat ng ating mga kaibigan na kasapi sa PDP-Laban sa kanilang ipinahayag na tiwala sa amin ni Inday Sara at sa buong UniTeam,” masayang sinabi ni Marcos.

Oppss…sa hiwalay na panayam, kinumpirma mismo ni vice presidential  front runner Inday Sara Duterte na nagpulong si Marcos at ang kanyang tatay na si Pres. Rodrigo Duterte nitong nakaraang weekend pero agad niyang nilinaw na hindi niya alam ang nagpag-usapan ng dalawa.

Sa isang pulong balitaan ng PDP-Laban, naglabas sila ng resolusyon na pormal na iniendorso si Marcos bilang kanilang kandidato sa eleksyon sa May 9, 2022.

Mismo pinirmahan and endorso nina PDP-Laban President Alfonso Cusi, Secretary General Melvin  Matibag, Antonio Kho at Sen. Christopher Lawrence Go at iba pang lider ng partido.

O ha….may masasabi pa kayo sa aking pambatong si BBM???

PASUGALAN NA NAMAN SA IMUS, CAVITE

Sa lalawigan ng Cavite, muli na namang namamayagpag ang mga peryahan sa nasabing lalawigan na kung saan ay hindi man lamang umaaksyon ang kapulisan ng nasabing probinsya.

Sa Paliparan ay 2 ang peryahan ni Emily: sa Green Gate ng Imus at sa Robinson Imus.

Namamayagpag ang mga ito ngunit hindi kumikilos ang kapulisan ng Imus.

Bakit kaya???

I-memorize ko lang kaya?