BBM NAMAYAGPAG SA OCTA SURVEY

BBM NAMAYAGPAG SA OCTA SURVEY

January 3, 2022 @ 1:03 PM 7 months ago


Labing-isa lamang mula sa 100 botanteng Pinoy na tinatawag na nasa laylayan ng lipunan o ‘poorest of the poor’ ang boboto kay presidential aspirant Leni Robredo kung ginanap ang halalan mula Disyembre 7-12, 2021.

Sa kabaligtaran, 46 na botante naman mula sa 100 Pinoy  mula sa Class E voting sector ang pumapabor sa kandidatura ni Bongbong Marcos, base na rin sa pinakahuling resulta ng survey na isinagawa ng OCTA Research,  isang grupo ng mga propesor na karamihan ay mula mismo sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ang mamamayang mula sa Class E ay mga mahihirap na kababayan na walang sariling bahay o ang tinatawag na ‘isang kahig, isang tuka.’

Sila rin ang madalas binabansagan na nasa laylayan ng lipunan na karamihan ay walang trabaho o kung hindi man ay walang sapat na kita para mabuhay nang maayos ang kanilang pamilya.

Sila rin ang mayoryang bilang ng mga botante sa bansa at ang pagpapakita nila ng suporta kay Marcos ay nangangahulugan na naki-kita nila siya bilang simbolo ng pag-asa sa pag-ahon sa kahirapan.

Kahit ang Class D o mga ‘working class’ ay nagpahayag ng pagpabor sa kandidatura ng standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas.

May 55 posyentong boto ang nakuha ni Marcos sa Class D, samantalang 63 percent naman ang nakuha ng dating senador mula sa economic Class ABC.

Kinukumpirma ng mga numerong ito na anomang antas ng lipunan ngayon – mayaman o mahirap – ay nagkakaisang naniniwala sa liderato ni Marcos kung saan ay halos ganitong bilang din ang nakuha nito mula sa ibang survey firms, tulad ng SWS, Publicus, Kalye Survey, DZRH, RMN and Pulse Asia.

Kung si Marcos ay may 46 percent mula sa ‘marginalized class,’ malayo itong hindi hamak sa 11 percent na nakuha ni Leni Robredo.

Mas pumangalawa pa kay Marcos si Isko Moreno mula sa 23 porsyentong boto na nakuha nito.

Pangatlo si Robredo; pang-apat si Manny Pacquiao na may anim na porsyento at panlima naman si Ping Lacson na nakakuha ng ‘four percent.’

Sa Class ABCD, maliban kay Marcos, ang mga katunggali nito ay mababa na sa 15 percent ang mga nakuhang boto.

Ang running-mate ni Marcos na si Inday Sara Duterte ay nakakuha rin ng impresibong 58%  mula sa Class E, habang malayong nakasunod sa kanya si Tito Sotto na may 33%.

Sobrang layo rin ng mga katunggali na sina Kiko Pangilinan na may tatlong porsiyento; dalawang porsyento si Willie Ong at one percent lang ang nakuha ni Lito Atienza.

“The overwhelming figures Bongbong received in the OCTA Research survey humbles all of us in the BBM-Sara UniTeam as we all strive to be better in our tasks of meeting the expectations and aspirations of our supporters and the rest of the Filipino people,” pahayag naman ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at spokesman ni Marcos.

“We shall not blink, we shall not falter, until every voice is heard through the ballot until every soul is counted on Election Day,” sabi pa nito.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected].