BBM sa natitirang 2022 budget: ‘Meron pa tayong breathing room’

BBM sa natitirang 2022 budget: ‘Meron pa tayong breathing room’

May 23, 2022 @ 7:16 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – May sapat pa umanong espasyo si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagsikapan ang natitirang 2022 national budget para pondohan ang kanyang papasok na administrasyon.

“There are slight differences because although it has been disbursed, not all of it has been spent, so meron pa tayong breathing room pero konti na lang and so that’s why we will have to look to the new budget, the budget for 2023 which is presently being written,” ani Marcos.

“We have to look at that to find sufficient funds for the things we want to do,” saad pa niya.

Nitong Linggo, matatandaang sinabi ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na nailabas na ng administrasyong Duterte ang 90% ng 2022 budget, kung kaya’t 10% na lamang ang naiwan para sa susunod na administrasyon.

Samantala, pinaplano ng Marcos administration na ilipat ang ilang public expenditures mula sa mga non-investment expenditures patungo muli sa mas maraming investment-led expenditures nang sa gayon ay mapasigla muli ang ekonomiya. RNT/ JCM