BBM sa PH education system: ‘There is hope for a comeback’

BBM sa PH education system: ‘There is hope for a comeback’

June 30, 2022 @ 3:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may pangangailangan na muling pag-isipan ang  education curriculum  ng bansa upang sa gayon ay maituon ang pagtuturo sa mga estudyante sa “basics” at ihanda ang mga ito sa mas maayos na trabaho.

“What we teach in our schools, the materials used, must be rethought. I am not talking about history,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang inaugural address, patama na rin sa pangamba ng kanyang mga kritiko na ang kanyang pagkapangulo ay patungo sa pag-whitewash sa martial law rule ng kahnyang ama sa history books.

“I am talking about the basics, the sciences, sharpening theoretical aptitude and imparting vocational skills,” ayon kay Pangulong  Marcos.

Aniya,  “there is hope for a comeback” ng “education system that prepared coming generations for more and better jobs.”

Sinabi pa niya na akma kay Vice President at Incoming Education Secretary Sara Duterte ang  “mission to a tee.”

Matatandaang, ipinag-utos ni Pangulong Marcos  ang pagrerepaso at pagrerebisa sa implementasyon ng K- 12 program sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni VP Sara sa gitna ng ilang mga panawagan na suspendihin na ang pagpapatupad ng naturang programa.

Aminado naman si VP Sara na ang bagay na ito ay kailangang talakaying mabuti at maraming pag-uusap ang kailangan gawin dahil hindi umano mareresolba ang naturang isyu sa loob lamang ng isang-gabi.

Sinabi pa ni VP Sara na titingnan niya ang tatlong usapin tulad ng epekto ng pandemic sa mga mag-aaral, full iimplementation ng face-to-face classes, at ang masusing talakayan sa K-12 program.

Samantala, handa namang makipagdayalogo ang bise-pangulo at magsagawa ng konsultasyon sa grupo ng mga guro at magulang upang pag-usapan ang sistema ng edukasyon sa bansa, gayundin ang umento sa sahod ng mga guro. Kris Jose