BBM sang-ayon sa SALN restrictions; di maglalabas ng wealth report

BBM sang-ayon sa SALN restrictions; di maglalabas ng wealth report

January 24, 2022 @ 6:04 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Walang plano si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos na ilabas ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa publiko kung sakaling manalong Pangulo ng bansa.

Naniniwala si BBM na kailangan din ng mga opisyal ng gobyerno ng proteksyon sa usapin ng yaman upang hindi rin ito maipanlaban sa kanya.

 “Lahat ng pulitiko may kalaban eh. Gagawan ng issue yan kahit walang issue. Prime example is Corona, walang issue gumawa sila tinanggal siya,” ani Marcos sa panayam sa ulat ng CNN Philippines.

 “We have to be more protective. The SALN shows exactly what your economic activity has been all your life.”

“Kung talagang may problema, may reklamo eh ipadaan natin sa authorities, sila ang magtingin. [If there really are problems, authorities should be the ones to scrutinize it.] Maybe if there’s a case filed, perhaps that’s the time that it can be given but not to the public. Certainly to agents of the court or the court itself. That might be a workable solution,” dagdag pa nito.

​Nauna nan gang ipinatupad ni Ombudsman Samuel Martires ang restriksyon sa public access ng gobyerno sa SALN ng mga opisyal. RNT/FGDC