BBM-Sara, Eleazar, Pamilya Muna, Suportado ng CMDC

BBM-Sara, Eleazar, Pamilya Muna, Suportado ng CMDC

April 10, 2022 @ 6:12 PM 3 months ago


No description available.

MANILA, Philippines – Christian-Muslim Democratic Coalition (CMDC) inilunsad bilang pinakamalaking kilusan na susuporta sa kandidatura ni dating senador Ferdinand “Bong Bong Marcos, Jr. bilang presidente at Mayor Inday Sara Duterte bise-presidente sa darating na May 9 eleksyon.

Nagpahayag din ang CMDC ng buong suporta sa kandidatura ni dating PNP Chief Guillermo Eleazar bilang Senador at sa Pamilya Muna Party List ng El Shaddai sa darating na halalan.

No description available.

Ang Christian-Muslim Democratic Coalition ay binubuo ng El Shaddai sa pamumuno ni Servant Leader Brother Mike Velarde, People’s National Council for Federalism, Inc (PNC RevGov) sa pangunguna ni dating Makati Vice Mayor Bobby Brillante, Moro National Liberation Front (MNLF) kinakatawan ng Vice Chairman for Military Affairs nitong si Prof Punduma Sani, Bishop Ruben Lambojon Chairman ng National Interfaith Council of the Philippines (NICOPHIL) at ng Multi-Sectoral Colition for Agriculture and Agrarian Reform sa pamumuno ni Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz

Kabilang din sa bumubuo ng Coalition ang Cordillera Peoples Liberation Army (CPLA) sa pangunguna ng pinuno nitong si Mailed Molina, Bishop Ephraim Perez, Pangulo ng Independent Conference of Bishops of the Philippines (ICBP). Grand Imam Federation and Endowment Affairs, Inc., sa pangunguna ni Imam Padel Hassan at Director Mito-on Ibra ng National Commission on Muslim Filipinos at Metro Manila Muslim Consultative Council at Liga ng Mag-uumang Probinsyano, Inc, sa pangunga naman ng kanilang pangulo na si Benjamin H. Santos.

Sinabi ni Bobby Brillante, tagapagsalita ng Coalition, na siunusuportahan nila si Bong Bong Marcos dahil ito lamang ang presidential candidate na nanindigan upang isulong ang Pederalismo bilang bagong Sistema ng gobyerno at katunayan nito, sa dami ng partido pulitikal na nag-alok sa kanya ay pinili nya na maging kandidato opisyal ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

No description available.

Si Mayor Inday Sara naman, sa dinami-dami ng partido pulitikal na nanghimok sa kanya, kabilang na ang partido ng kasalukuyang administrasyon PDP-Laban na pinamumunuan ng kanyang ama, President Rodrigo Roa Duterte ay pinili nitong maging kandidato opisyal ng Lakas CMD bilang patunay sa kanyang adhikain at paninindigan sa pagsulong ng Christian-Muslim democracy at economic justice sa bansa, pahayag ni Brillante