BBM-Sara nanguna sa MB-Tangere survey

BBM-Sara nanguna sa MB-Tangere survey

January 27, 2022 @ 9:50 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nanguna ang tambalan nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential at vice presidential survey ng Manila Bulletin at Tangere.

Isinagawa ang nationwide survey noong Enero 18 hanggang 19, 2022.

Nilahukan naman ito ng 2,400 respondents na namili ng kanilang bet na manalo para sa pagka-Pangulo at Bise Presidente.

Nanguna si Marcos sa presidential candidates na nakakuha ng 57.67 percent habang first choice din ng mga respondents si Mayor Sara na nakakuha ng 53.17 percent sa vice presidential aspirants.

Kasunod ni Marcos si Manila Mayor Francisco Domagoso (16.75), si Vice President Leni Robredo (15.08%), Senator Panfilo Lacson (4.71%) at Senator Manny Pacquiao (4.29%).

Habang sinundan naman si Sara ni Senator Vicente Sotto III (19.42), Dr. Willie Ong (17.54), at Senator Francis Pangilinan (5.96). RNT