BBM-Sara nanguna sa partial, unofficial result ng Halalan 2022

BBM-Sara nanguna sa partial, unofficial result ng Halalan 2022

May 10, 2022 @ 6:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanguna sina dating Senator Ferdinand Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential at vice presidential race, base sa partial at unofficial count ng mga boto.

Hanggang nitong alas-6 ng umaga, nasa 95.17% na ng nationwide election returns ang naipapakita sa Comelec Transparency Server.

Hanggang sa nasabing oras, mayroon nang 30,303,899 boto si Marcos.

Habang ang kanyang mga katunggali sa pagka-pangulo ay nakakuha ng mga sumusunod na boto:

  • Vice President Leni Robredo 14,431,591

  • Senator Manny Pacquiao 3,463,654

  • Manila Mayor Isko Moreno 1,843,726

  • Senator Panfilo Lacson 865,831

  • Faisal Mangondato 233,161

  • Ernesto Abella 109,136

  • Leody De Guzman 89,355

  • Norberto Gonzales 85,782

  • Jose Montemayor 58,065

Sa kabilang banda, mayroon nang 30,629,541 boto si Sara Duterte.

Ang kanyang mga katunggali ay nakakuha naman ng:

  • Senator Francis Pangilinan 8,993,072

  • Senator Vicente Sotto III 8,027,121

  • Dr. Willie Ong 1,807,130

  • Buhay party-list Representative Lito Atienza 257,453

  • Manny Lopez 150,341

  • Prof. Walden Bello 96,046

  • Carlos Serapio 86,240

  • Rizalito David 53,380

Pagdating naman sa Senado, nangunguna ang aktor na si Robin Padilla para sa 12 Senate seats sa 25,637,678 boto, habang pasok din sina:

  • Loren Legarda 23,403,651

  • Raffy Tulfo 22,617,011

  • Win Gatchalian 19,905,433

  • Chiz Escudero 19,596,531

  • Mark Villar 18,715,947

  • Alan Peter Cayetano 18,618,244

  • Migz Zubiri 18,111,976

  • Joel Villanueva 17,900,067

  • JV Ejercito 15,302,426

  • Risa Hontiveros 14,935,016

  • Jinggoy Estrada 14,578,781

RNT