BBM-Sara tandem inendorso ni Quiboloy

BBM-Sara tandem inendorso ni Quiboloy

February 2, 2022 @ 7:29 AM 8 months ago


DAVAO CITY – Inendorso ni International evangelist Pastor Apollo C. Quiboloy ang tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. At Davao City mayor Sara Duterte para sa Pangulo at Bise Presidente ng bansa sa May 2022 national elections.

Sa isinagawang send-off ceremony ng “Mahalin Natin ang Pilipinas Ride” sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Davao City, ipinahayag ng pastor ang kanyang suporta sa Uniteam nina Marcos at Duterte-Carpio kasama na rin ang senatorial slate nila

Si Quiboloy, na kilala bilang “Appointed Son of God” at founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC), ay ipinagdasal din sina Sara dating  senator Jinggoy Estrada at dating presidential spokesperson Harry Roque na tumatakbo sa UniTeam bago ang pagsisimula ng 28-day national caravan ng partido mula Davao City papuntang Metro Manila at pabalik.

“Maraming pong nagtatanong kung sino ang susuportahan ng Kingdom of Jesus Christ, sabi ko ‘maghihintay tayo sa tamang panahon kung kailan’ at ngayon siguro ang tamang panahon para ilahad ko sa inyo ang aming suporta,” panimula ng pastor na siya ring spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“100% ako po ay sumusuporta sa Unity Team,” giit pa niya. RNT