BBM-Sara top choice pa rin sa Halalan 2022 – Publicus

BBM-Sara top choice pa rin sa Halalan 2022 – Publicus

March 22, 2022 @ 1:10 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nananatiling sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao Cty Mayor Sara Duterte ang top choices para sa pagka-presidente at bise-presidente, batay sa resulta ng latest independent at non-commissioned Publicus Asia survey.

Sa March 9 to 14, 2022 survey o Pahayag National Tracker 2 (PT2) na nilahukan ng 1,500 respondents, nanguna pa rin si Marcos sa pamamagitan ng nakuha niyang 55.1 percent. Mataas ito ng halos 3 percent mula sa kanyang preference share na 52.3 percent sa PT1 na isinagawa noong Pebrero.

Samantala, napanatili rin ni Duterte ang pangunguna laban sa kanyang mga katunggali sa pagka-bise presidente sa pamamagitan ng 56.5 percent, ayon sa Publicus.

Gaya sa katandem na si Marcos, umangat din ng 3 percent si Duterte sa survey ngayong Marso. RNT