‘BBM Sugar’ ipinaliwanag ng may-ari

‘BBM Sugar’ ipinaliwanag ng may-ari

October 20, 2022 @ 11:51 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ng presidente ng isang sugar milling company na sangkot sa produksyon ng kontrobersyal na “BBM Sugar” ang dahilan sa likod ng branding ng nasabing produkto.

“This is a private sector initiative and we marked it that way to distinguish our sugar from other sugars in the market,” paliwanag ni Minnie Chua ng Victorias Milling Company sa mensaheng ipinadala sa ABS-CBN.

“This is also our way of showing support to the administation and to temper prices of sugar in the market,” dagdag pa rito.

Ang Victorias Milling Company ay isa sa mga miller na nag-aalok ng asukal sa gobyerno para ibenta sa halagang P70 kada kilo.

Kaliwa’t kanan kasi ang naging komento ng netizen nang magviral ang “BBM Sugar” sa social media na mistulang isinunod sa  inisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinluaan dahil sa umanoy pamumulitika sa isang pangunahing bilihin.

Sa ngayon ang “BBM Sugar” ay ibinebenta lamang sa mga tanggapan ng SRA sa Quezon City at Bacolod City sa Negros Occidental, pero ibebenta rin ito sa mga Kadiwa shop ng DA. RNT