Bea Alonzo at Marian Rivera, magsasama sa isang project!

Bea Alonzo at Marian Rivera, magsasama sa isang project!

October 14, 2021 @ 10:25 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – May storyline na si Bea Alonzo para sa isang proyekto kung saan ay kasama niya ang actor na gusto niyang makatrabaho.

Sa kaso ng new found friend niya sa Kapuso Network na si Marian Rivera-Dantes ay mismong si Bea ang nag-isip ng istorya na babagay sa kanilang dalawa para mag-join force sa isang project. At ready na siyang iprisinta ito sa Kapuso managementt.

“I actually have a concept in mind for me and for Marian, kwento ko na lang sa mga bosses…  Sana!” say ni Bea.

Habang wala pa ang dream project ni Bea para sa kanilang dalawa ng bagong pren na si Marian ay tututok na muna ang aktres sa movie na pagsasamahan nila ni Alden Richards, na isang Pinoy adaptation ng Korean hit movie na ‘A Moment To Remember’.

Ano kaya sa palagay ni Bea ang magiging factor para tanggapin ng masa ang bago niyang ka-loveteam na si Alden? Malaking challenge din ito para talbugan ang super blockbuster movie nina Alden at Kathryn Bernardo na “Hello Love Goodbye”.

“Ako, nanininwala ako sa sinasabi nilang ‘You cannot fake chemistry. You can create it’.

“Kahit sinong i-partner sayo, falling in love is an emotion. And, if you are a good actress, may chemistry kayo because people will see it through your eyes that you are in love,” say pa rin ni Bea.

Open din si Bea na maka-loveteam ang mga young Kapuso actor.

“I don’t want to put myself in a box, so I want to do different things as much as I can and,  I’m also looking forward to working with Kapuso stars that I’ve never worked with before and even the younger ones like sina Ruru Madrid or si Derrick Monasterio,” dagdag na say ni Bea. Wally Peralta


  •  
  •  
  •