Bea Alonzo, kumain ng matigas na ‘batuta’!

Bea Alonzo, kumain ng matigas na ‘batuta’!

February 23, 2021 @ 11:30 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Wala palang inuurungan ang mahinhing aktres na si Bea Alonzo.

Sa latest edition ng kanyang vlog, nakipaglaro siya ng isang game sa tatlong bading na kumedyante. Bale isang team ang mga bading at isang team din si Bea at ang non-showbiz friends n’ya.

Ang laro ay ‘pag ayaw sagutin ng nakatokang sumagot ang isang tanong, siya at ang team n’ya ay kakain ng inilutong “batuta” ng baka.

Ang tanong kay Bea ay: “Name the most famous person that has hit on you.”

Ayaw n’yang sagutin at mas pinili n’yang kumain ng “batuta” ng baka.

At nasarapan naman siya!

Pero tili n’ya nang ipakita sa kanya ang “batuta” ng baka: “Oh, my God! Ang laki!”

Hindi naman kailangang kainin nang buo ang “batuta.” Pwede na ang isang pirasong tikim lang.

At tinikman nga n’ya ang “batuta.”

Bulalas n’ya pagkatapos: “In fairness, lasa siyang kaldereta.

“Ang texture n’ya ang kadiri! Para siyang gelatin na tumigas!”

‘Yon na! Danny Vibas


  •  
  •  
  •