Bea Alonzo, nagpagupit para kay Aga Muhlach

Bea Alonzo, nagpagupit para kay Aga Muhlach

June 8, 2018 @ 12:33 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Ibang klaseng paghahanda ang ginawa ni Bea Alonzo para sa first team-up movie nila ng multi-awarded actor at matinee idol na si Aga Muhlach.

Sa mga picture na ipinost ng 30-year-old na aktres sa social media, ipinakita nito ang kanyang bagong gupit na buhok para sa upcoming movie nila ng aktor.

Kahapon ay pumunta na si Bea sa Vancouver, Canada para simulan ang shooting.

Una na nitong sinabi na magus-super short hair siya para sa kanyang susunod na romantic drama movie na ididirek ni Paul Soriano na siya ring nag-direk ng award winning na pelikula sa Metro Manila Film Festival 2017 na ‘Siargao’.

Hanggang sa ngayon ay wala pang pamagat at showing date ang nasabing pelikula. (Remate News Team)