Bea at Dom, hinulaang di magkakatuluyan!

Bea at Dom, hinulaang di magkakatuluyan!

January 1, 2023 @ 4:00 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Gaya ng madalas nating sabihin, ang hula ay isang hula.

Puwedeng magkatotoo at puwede ring sumablay.

Dahil dito’y pinag-iingat ang maraming mapagpaniwala sa mga hula na huwag basta- basta maniniwala.

Pinapaalalahanan lalo na ang mga nakapanood ng panayam ni Rommel Tsika sa binansagang The Prophetic Witch na si Mamu Gloria Escoto na dinayo pa niya sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija.

Hinulaan kasi ni Mamu Gloria ang real-life na relasyon nina Bea Alonzo at Dominique Roque.

Sa unang lapag pa lang ng sinasalansang tarot cards ay nakita agad ng manghuhula ang patutunguhan ng relasyon ng mga ito.

Ayon kay Mamu Gloria, hindi umano boto ang pamilya ni Dominique kay Bea.

When probed kung bakit, ang kasikatan daw ni Bea at estado nito sa buhay ang dahilan.

Dahil mas may ipon daw ‘di hamak si Bea kesa sa nobyo ay nangangamba raw ang pamilya ni Dominique na aanderin lang ito ng aktres.

It follows din daw na hindi nakikita ng manghuhula na ikakasal ang dalawa sa malapit na hinaharap.

Ayon pa sa manghuhula, bagama’t obyus naman daw na mahal ni Dominique si Bea ay lumalabas na ang aktres ang mas nagmamahal sa nobyo.

Kinontra naman ito ng mga netizens na nagsasabing may mga pinagkakaabalahang negosyo si Dominique, kaya walang dahilan para ma-insecure o makaramdam ng inferiority kay Bea.

Hindi rin daw totoong hindi boto ang pamilya ni Dominique kay Bea kung ang pagbabasehan ay ang ilang mga kuha ng aktres kasama ang nobyo sa mga importanteng okasyon.

Minaliit ng mga netizens ang aspeto ng pinansyal na katayuan ng magkasintahan, saying that their relationship is not based on money.

Sa bansag pa lang daw na The Prophetic Witch ay hindi raw dapat sineseryoso si Mamu Gloria.

Hirit ng isang netizen: “Parang prophet of doom lang ang peg niya!” Ronnie Carrasco III