Bea at Dominic, laging nagtatalo!

Bea at Dominic, laging nagtatalo!

February 2, 2022 @ 12:19 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Bea Alonzo nabuking!

Ito ang kinalabasan makaraang sumalang si Bea sa tinatawag na MBTI o Myers-Briggs Type Indicator.

Karaniwang ginagamit ang MBTI ng mga psychologists para malaman ang strengths at weaknesses ng isang tao, his likes and dislikes and characteristics in general.

Kaiba ito sa polygraph test o lie detector test na sumusukat kung ang isang tao’y nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling.

Base sa resulta ng MBTI test, napag-alamag maraming palang bagay ang pinagtatalunanan nina Bea at ng nobyong si Dominic Roque.

Pero depensa ng aktres, healthy naman daw ang manaka-naka nilang iringan which are resolved later on.

Lumitaw pa sa MBTI test na hindi pala bet ni Bea ang dyowang “Yes, mam” o sunud-sunuran lang. Dapat ay assertive daw ang boyfriend niya.

Natuklasan ding isang “worrier” pala si Bea who feels less confident kung hindi siya preparado sa kanyang trabaho.

Emosyonal din daw ito kapag nakakarinig ng mga makaantig-pusong kuwento na may bawi sa bandang huli.

Generally, balanse lang ang personalidad ni Bea who is 50% extroverted and 50% introverted.

Inaaantabayan na kung kailan naman sasalang si Dominic sa parehong test para magkaalaman na if his and Bea’s personalities compliment each other. Ronnie Carrasco III