Bea at Dominic, muntik nang mag-split!

Bea at Dominic, muntik nang mag-split!

March 15, 2023 @ 10:20 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Hindi ikinakaila ni Bea Alonzo na dumàan sila ng nobyong si Dominic Roque sa mga struggles.

Struggles that threatened their relationship.

Ito ang isiniwalat ng aktres sa vlog interview ng socialite na si Small Laude.

Bea confessed to having trust issues na aniya’y understandable dahil galing siya sa breakup.

Without naming names, ang tinutukoy niya’y ang dating nobyong si Gerald Anderson who she had accused of ghosting her.

Tanggap na raw ng aktres kung sakaling maghiwalay sila ni Dominic, “I’m good at goodbyes. Maiisip ko, eto na naman ako.”

Sa unang taon daw nila ni Dom ay walang kaakibat na label ‘yon, basta they were just going out on dates.

Until nalampasan daw nila ‘yon hanggang ipagdiwang nila ang kanilang ikalawang taon as a couple nitong January.

Aminado si Bea na si Dom ang mas nagdadala ng kanilang relasyon.

Ipinamulat daw nito sa kanya na may mga bagay na kailangang ayusin to make their relationship work.

Hindi raw tulad niya na basta na lang magdedesisyong wakasan ang relasyon nang ganu’n-ganu’n na lang without making an effort.

“He always tells me our relationship shouldn’t end that way, if not it shouldn’t end at all,” kuwento pa ni Bea.

Hindi naman natalakay sa vlog interview na ‘yon if wedding bells are on the horizon soon.

But from the looks of it, parang nakakasigurado na si Bea that Dominic is the right guy for her. Ronnie Carrasco III