Bea at Dominic, naispatan sa Amerika!

Bea at Dominic, naispatan sa Amerika!

July 8, 2021 @ 11:05 AM 1 year ago


Manila, Philippines – July 7 ng umaga nang lumapag sa Los Angeles ang eroplanong lulan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Wala mang kuha na magkasama sa litrato, obyus namang sabay bumiyahe ang dalawa. May twinning pa sa kanilang kasuotan.

All-black outfit ang suot ni Bea with matching white shoes (at may dalang malaking Louis Vuitton bag), black top at black pants din ang suot ni Dominique na bumagay sa puti ring rubber shoes.

May mga hiwalay silang kuha kasama ang airport personnel.

Kilala ang ‘di pa umaaming couple sa kanilang “jigsaw puzzle posting” na may mga magkahiwalay na litrato pero nabubuko namang magkasama dahil sa isang background.

Ang US trip ni Bea ay matagal nang planado. Pero hindi binanggit ng aktres kung sino’ng kasama niya.

Kinailangan daw niya munang mag-recharge at kumuha ng positive energy bago sumabak sa mga nakalinyang proyekto sa GMA.

Ganap nang Kapuso si Bea na pumirma ng exclusive contract sa istasyon nitong July 1. Ronnie Carrasco III