Bea at Maricel, pasok sa Hollywood film!

Bea at Maricel, pasok sa Hollywood film!

August 6, 2022 @ 3:40 PM 6 days ago


Manila, Philippines – Nagsimula na ang shooting para sa pelikulang 1521, ang kauna-unahang Hollywood production na dito sa bansa ang filming.

Magkapatid ang papel na ginagampanan nina Bea Alonzo at Maricel Laxa.

Ang pelikula ay isang love story in the tradition of Pocahontas and Braveheart set against the historic battle of Mactan.

Ang direktor nitong si Michael Copon ang gaganap bilang Lapu-Lapu.

Playing Magellan is Latino actor David Trejo.

Gaganap naman bilang Enrique na love interest ni Bea ay si Hector David Jr.

Palawan ang napiling pagsyutingan ng 1521 dahil ito’y home province ng producer na si Francis Ho.

Slated for showing ang 1521 sa June 12, 2023 bilang pagdiriwang ng ika-125 taon ng ating independence.

Malaki ang naitulong ng One More Chance movie ni Bea para makuha ang atensyon ng Fil-Am director na si Copon.

Ang pagiging Pilipinang-Pilipina naman ni Maricel made her get thd part.

Katatapos lang ni Maricel ng matagumpay na afternoon soap na Apoy sa Langit sa GMA. Ronnie Carrasco III