Bea, bibida sa Fil-Hollywood produced film; Pacman, kasosyo!

Bea, bibida sa Fil-Hollywood produced film; Pacman, kasosyo!

February 9, 2022 @ 10:00 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Bibida si Bea Alonzo sa isang Filipino-Hollywood film na Angel Warrior kung saan co-producer ang senador at presidential aspirant na si Manny Pacquiao.

Ang Angel Warrior ay batay sa totoong kuwentong naganap noong World War II.

Tungkol ‘yon sa kuwento ni Tala, a pre-war Filipina whose near-death experience ang siyang nagtulak sa kanya para maging isang underground fighter described as a “she devil.”

Ang karakter ni Bea ang tumulong at lumaban kasama ang poorly equiped Filipino and American guerilla fighters sa isla ng Panay bilang bahagi ng resistance movement noong panahon ng pananakop ng mga Hapon.

Ang award-winning Hollywood screenwriters na sina Bruce McKenna at John Fusco ang napisil na sumulat ng dalawang Asian-themed war features, isa nga rito ang Angel Warrior at Palawan na sisimulan naman sa 2023.

Ngayong taon nakatakda ang filming ng Angel Warrior. Both  Angel Warrior and Palawan will be shot in the Philippines and Thailand.

Parehong prodyus ito ng Inspire Studios’ founder and Chief Executive Officer Francis Lara Ho, executive-produced by John Shepherd, Thailand’s Buranasompod Pongrapee alongside the People’s Champ.

Samantala, tinanghal na Talent to Watch si Bea ng global news platform na Variety maging ng International Film Festival and Awards Macao.

Alin kaya ang mauunang gawin ni Bea, ang Angel Warrior o ang pelikula nila ni Alden Richards sa GMA Pictures? Ronnie Carrasco III