Bea Binene, binali ang pangako, lumipat sa Dos!

Bea Binene, binali ang pangako, lumipat sa Dos!

January 5, 2023 @ 10:32 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Anytime soon ay pipirma si Bea Binene ng kontrata sa ABS-CBN.

Pero ang Viva Artists Agency ang mamahala ng career ng aktres.

Isang homegrown talent ng GMA si Bea, having joined Starstruck kids.

Sa napipintong paglipat ni Bea ay malinaw na hindi niya napangatawanan ang sinabi niya noon na anuman daw ang mangyari’y mananatili siyang Kapuso.

Pero masisisi ba si Bea kung wala namang proyektong ibinibigay sa kanya ang istasyon kung saan siya nagmula?

Marami namang netizens ang nakakaunawa sa desisyon ni Bea na mag-ober da bakod kung paanong marami ring taga-ABS-CBN ang lumundag sa GMA.

Lalayo pa ba tayo sa namesake o kapangalan ni Bea Binene na si Bea Alonzo?

As it is now kasi ay naungusan na ni Barbie Forteza si Bea to think na silang dalawa ang magka-level at halos magkaedad.

Hindi naman lugi ang ABS-CBN kay Bea dahil multi-talented ito.

Not only can she act, puwede rin siyang maasahan sa larangan ng pagbabalita.

Hindi kaya nakakaramdam ng panghihinayang ang GMA dahil pinakawalan nila si Bea?

For sure, hindi pababayaan ng kanyang newfound network ang bago nilang artist.

Ina-anticipate na ng kampo ni Bea Binene ang akusasyon sa kanya as far as pagtanaw ng utang na loob is concerned.

But lest the accusers forget, there’s such a thing as law of economics.

Survival na ang pinag-uusapan dito.

Bea certainly knows which side of the bread is buttered!

Ganern. Ronnie Carrasco III