Bea, buryong na sa pagkatengga sa GMA7!

Bea, buryong na sa pagkatengga sa GMA7!

January 27, 2022 @ 11:29 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Balitang walang ibang pinagkakalibangan ngayon si Bea Alonzo kundi ang panonood ng mga digital films.

Senyales daw ‘yon na talagang bored na raw ang aktres sa kawalan ng ginagawa.

Inip na inip na raw si Bea sa kahihintay kung kailan sisimulan ang film project nila ni Alden Richards sa GMA.

Maging ang supposd TV project niya sa GMA ay kinaiinipan na rin niya.

Matatandaang nauna pang lumipat si Bea sa GMA kesa kay John Lloyd pero mas nauna pang nagkaroon ng proyekto ang aktor via a weekly sitcom.

Bagama’t maganda ang takbo ng lovelife ng aktres, pasasaan ba’t may sawa factor ding dulot ito lalo na sa taong sanay na may pinagkakaabalahan.

Iba pa ring high ang hatid ng trabaho na nag-eenjoy ka na, kumikita ka pa.

Ito’y as opposed sa pagkakaroon nga ng pag-ibig, pero puro palabas naman ang pera. Ronnie Carrasco III