Bea, dedma sa panlalait ni Lolit!

Bea, dedma sa panlalait ni Lolit!

May 30, 2022 @ 1:43 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Dedma ang aktres na si Bea Alonzo sa pag-criticize ng batikang kolumnista at host na si Lolit Solis.

Hindi lang pag-criticize kundi pag-compare pa kay Marian Rivera at Bea ang ginawa nito, pero ang pangalawa, instead of saying something about the issue, minabuti nitong magbigay ng love advice sa netizens.

Sinagot lang naman ni Bea ang question sa Instagram kung okay lang ba na ang partner ay nakikipag-flirt sa girl friends nito o babaeng kaibigan.

“Flirting is already cheating, a window to cheat. ‘Pag nag-flirt tapos bumigay, e, ‘di affair na ‘yon. I think you should stand your ground,” Bea answered.

Umani ito ng libo-libong reaction at pag-sang-ayon from the netizens.

But wait, binabalik na naman ngayon sa comments’ section ang past ng aktres with Gerald Anderson!

May ilang nam-bash, “Move on na, Bea. Sinagot mo para magpatama?”

Hoy. She’s just stating facts. Hehe. Paula Jonabelle Ignacio