Bea, hindi bet nakatrabaho si Dominic!

Bea, hindi bet nakatrabaho si Dominic!

September 15, 2021 @ 7:46 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi nakikita ni Bea Alonzo ang posiblidad na susundan siya ng nobyong si Dominic Roque sa GMA.

Kaya lalong malayo raw mangyaring magkakatrabaho sila.

Ani Bea, “I don’t think so. Mas magwo-work out ‘yung relationship namin kung hindi kami magkasama sa work. Sa real lang ako.”

Taong 2012 pa nasa ABS-CBN si Dominic, and it seems his projects are few and far between.

Sey ni Bea, choice daw ‘yon ng binata.

“I don’t think he’s pursuing acting anymore. May start-up business kasi siya, at du’n siya naka-focus. But I can’t speak for him, malay natin, baka balang-araw magbago ang priorities niya,” paglilinaw niya.

Mukha rin naman kasing malabong kunin din ng GMA si Dominic kung hindi rin lang siya itatambal kay Bea. ‘Yun nga lang, “off” tingnang ipareha si Dom kay Bea dahil hindi naman sila on equal footing, career-wise.

Tama lang na sa negosyo nakatuon si Dominic, baka he’s meant to be in another field more than in showbiz. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •