Bea, inuurot nang magka-baby kay Dom!

Bea, inuurot nang magka-baby kay Dom!

January 15, 2022 @ 10:05 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Sa kanyang vlog, masaya ang naging bonding ni Bea Alonzo sa kanyang pamangkin na si Santi, anak ng kanyang brother na si James sa in-law nitong si Thalia.

Habang nagbe-bake siya ng cookies ay nagbe-babysit din siya kay Santi.

Excited din niyang ibinalita na on the family way na si Thalia with her second baby kaya’t may latest addition na sa kanilang family.

Ayon sa Kapuso actress, tila saved by the bell daw siya dahil matagal nang nangungulit ang kanyang mommy Mary Anne na masundan si Santi.

Katunayan, kinukulit na raw siya ng kanyang ina na bigyan na ito ng apo.

Sey pa ni Bea, nasa life goal daw niya noon na magkaroon ng pamilya sa edad na 25.

Naurong nang naurong daw ito at nag-compromise pa siya sa age na 29.

Ngayon daw na 34 na siya ay nananatiling plano pa rin ang lahat.

Pero in God’s time, naniniwala naman siyang darating ang panahon na magse-settle down din siya and hopefully with her boyfriend Dominic Roque.

May mga faney namang nagwi-wish na sana ay magkasama sa isang proyekto sina Bea at Dominic. Archie Liao