Bea, legal resident na ng Spain!

Bea, legal resident na ng Spain!

November 22, 2022 @ 2:31 PM 2 weeks ago


Madrid, Spain – Masayang ibinalita ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na isa na siyang legal resident ng bansang Spain.

Kababalik lang ni Bea from a 26-day vacation sa naturang bansa.

Among others, ang pakay ng aktres ay para kunin ang kanyang golden visa.

Ang golden visa ay residence visa na ipinagkakaloob sa non-European national na may investment sa real estate sa Spain nang humigit-kumulang na 30 million o 500,000 Euros.

Public knowledge na nakabili ng apartment si Bea sa Spain na excited pa nga niyang ipinakita sa kanyang inang si Mary Anne.

Dahil golden visa holder na si Bea ay maaari siyang mag-apply ng Spanish citizenship pagkatapos ng dalawang taon.

Hindi naman necessarily na kailangang mamirmihan si Bea sa Spain being a golden visa holder.

Paglilinaw ng bida sa Start-Up ng GMA, wala naman daw siyang balak maging isang Spanish citizen, “But at least, it’s an option.”

It may be safe to say na isa si Bea sa mga richest actresses sa bansa.

Bukod kasi sa naipundar niyang apartment sa Spain, she also owns a sprawling farm in Zambales.

Puwera pa rito ang ilang negosyong itinayo niya.

Ikaw na, Bea! Ronnie Carrasco III