Bea, may hugot na naman kay Gerald!

Bea, may hugot na naman kay Gerald!

July 10, 2022 @ 1:08 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Matagal na raw naka-move-on si Bea Alonzo sa break-up nila ni Gerald Anderson pero nandoon pa rin ang galit nito sa ex-boyfriend dahil hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang makatrabaho ito.

Hindi raw makalimutan ni Bea ang pagtataksil sa kanya ni Gerald kaya hangga`t maaari ay ayaw niya itong makasama kahit saang project.

Sa vlog kasi ni Barbie Forteza kung saan nakapanayam niya si Bea ay naitanong nito kung willing pa rin ba ang actress na makatrabaho ang mga naging ex-boyfriend nito.

Walang paligoy-ligoy at diretsong sagot ni Bea, ”Depende kung sinong ex. Kay Zanjoe, willing akong makipag-ano.”

Ang tinutukoy ni Bea ay si Zanjoe Marudo na nakarelasyon niya bago dumating sa puso niya si Gerald.

Sabi pa ulit ni Bea, “Depende sa ex. Isa lang naman ‘yung ayoko, eh.”

Para naman kay Barbie ay parang hindi raw niya kayang makatrabaho ang kahit sino sa mga naging ex niya.

Tanong tuloy ni Bea kay Barbie, “Bakit? Ugly breakup?”

Ayon kay Bea ay hindi naman daw naging ugly breakup ang nangyari sa kanila ni Zanjoe. Nananatili pa rin silang magkaibigan ni Zanjoe hanggang ngayon.

May hugot pa si Bea, “It would be disrespectful to our partners if we ended it badly.

“Iba kapag may betrayal na factor,” patuloy pa niya.

Kahit hindi pinangalanan ni Bea ang ex na naging taksil at hindi makalimutan ay obvious na si Gerald Anderson ang tinutukoy niyang ayaw na ayaw niya makatrabaho dahil sa ginawa sa kanya.

Grabeng panloloko kaya ang ginawa ni Gerald kaya hanggang ngayon ay sukang-suka pa rin si Bea na makatrabaho ang actor. Gerry Ocampo