Bea, nag-throwback sa eksenang sampalan na naka-25 takes!

Bea, nag-throwback sa eksenang sampalan na naka-25 takes!

March 1, 2023 @ 5:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi exception si Bea Alonzo sa maraming artista na kahit mahusay na sa pagganap ay nakaka-ilang takes pa rin.

Sa kanyang latest vlog kasama ang chef at content creator na si Ninong Ry, nagbalik-tanaw ang Kapuso actress sa ginawa niyang isang pelikula.

Obyus na prodyus pa ‘yon ng Star Cinema noong hindi pa lumilipat ang aktres sa GMA.

Hindi nangingiming inamin ni Bea na for a single slapping scene alone, it took her 25 takes to perfect it.

Tanong ni Ninong Ry, hindi raw ba ginalingan ni Bea ang eksenang ‘yon at umabot pa nang ganoon kadaming takes?

Without mentioning the name of the director, inilarawan ito ni Bea bilang isang perfectionist.

Bale ba, sa dami raw ng takes ay pumutok na ang bibig niya.

“Pero itinuloy ko pa rin until I was able to perfect the scene which my director expected of me,” paliwanag niya.

Hirit uli ni Ninong Ry, maaari raw bang matakpan ng makeup ang pumutok niyang bibig?

‘Yun na lang daw ang ginawa sa bibig niyang napinsala sa madugong eksenang ‘yon.

Kadalasan kasi, pag may totoong sampalan sa eksena’y dinadaya ito para walang sakitan.

Ang iba namang artista’y gustong gawing makatotohanan ang eksena kaya pumapayag silang magpasampal.

Pag ganoong may nagaganap na sakitan, ang artistang nanampal ay humihingi agad ng paumanhin sa nasampal niya after the take.

Lalo na sa mga baguhang artista, itinuturing nilang badge of honor o karangalan ang masampal ng mga batikan at premyadong artistang nakakasama nila.

Anila, masasabi raw nila na ganap na silang artista pag nasampal na sila ng mga established stars.

Ang latest vlog ni Bea with chef Ry ay kapupulutan ng kitchen tips kung paanong ang mga leftover food o tira-tirang pagkain ay puwedeng gawan ng fresh dishes na masarap pa rin sa panlasa.

Marami nga sa mga netizen na nakapanood nito ang bumilib sa banter nina Bea at Ry at nagre-request ng Part 2.

Para raw kasi silang matagal nang magkakilala. Ronnie Carrasco III