Bea, nag-throwback sa planong mamuhay sa Canada!

Bea, nag-throwback sa planong mamuhay sa Canada!

March 8, 2023 @ 11:43 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Every celebrity goes through a phase where he gets burned out, at naiisip na tumalikod sa showbiz.

Bea Alonzo is no exception.

Muntik nang mag-quit si Bea sa showbiz as she felt she was no longer happy with what she was doing.

Ito ang ikinumpisal niya sa vlog ng chef at content creator na si Ninong Ry.

Ito raw ‘yung panahong sunud-sunod ang paggawa niya ng mga teleserye sa ABS-CBN at mga pelikula sa Star Cinema.

Bea felt nasagad daw ang enerhiya niya.

She also had to contend with the usual intrigues in showbiz na sinamahan pa raw ng politika.

To top it all, Bea had to set aside her studies to think na gustung-gusto raw niyang mag-aral.
For one, she loves reading.

All this had taken a heavy toll on her sa edad na 18.

Kaya raw one time over dinner ay nasabi niya sa kanyang inang si Mary Anne na gusto na lang daw niyang makipagsapalaran sa Canada.

Itsura raw na wala silang pamilyang nakabase roon o mga kaibigan, she simply wanted to get out of showbiz.

Pero nagbagong lahat daw ang planong ito with a single movie.

Taong 2007 nang alukin siya sa pelikulang One More Chance with John Lloyd Cruz.

Hindi lang basta tinanggap ang kanilang tambalan as Star Cinema laughed its way to the bank.

Kumita kasi ‘yon ng P152.7 million kaya naman nasundan ito via Second Chance in 2015.

In a sense, sinasabi ni Bea na utang niya sa film arm ng ABS-CBN ang muli niyang pagiging enthusiastic sa trabaho.

Mula kasi 2007 ay sunud-sunod na ang suwerteng dumating sa buhay ni Bea.

Arguably, she has amassed properties like a sprawling farm in Zambales and a house in Madrid.

Kaya ang tanong ng mga netizens, saan pumapasok ang dapat sana’y pagiging grateful ni Bea?

Taong 2021 noong lumipat ang aktres sa GMA, and so far, nakakaisang teleserye pa lang siya.

Sinadya ba ni Bea to come out squeaky clean sa vlog na ‘yon by editing out her career mistakes? Ronnie Carrasco III