Bea, nagpa-sexy, feeling empowered!

Bea, nagpa-sexy, feeling empowered!

November 25, 2021 @ 4:30 PM 3 days ago


MANILA, Philippines – “Lumipat lang ng GMA 7, umasta nang parang bold star!”

‘Yan ang malupit na comment ng isang mangmang na netizen nang bumuluga sa kanya ang mga litrato ni Bea Alonzo na naka-bikini at iba pang sexy outfits bilang calendar girl ng isang alak na gawa sa bansa.

Mangmang ang netizen na ‘yon dahil parang sa Kapuso network n’ya ina-attribute ang pagiging calendar girl ni Bea ng alak na isa sa pinakasikat at mabenta sa bansa. Hindi n’ya naisip na hindi naman ang GMA 7 ang nagpasya na tanggapin ng aktres ang trabaho na ‘yon na siguradong milyones ang talent fee.

Pasya ni Bea at ng manager n’yang babae rin at isang butihing ina na tanggapin ang alok na mag-endorse ng inuming nakalalasing. Baka nga ni hindi humingi ng paalam sa network ang manager at si Bea na magmodelo siya para sa isang alak.

Baka wala sa kontrata ni Bea na kailangang magpaalam siya sa network para tumanggap ng endorsement job. Ni wala nga sa kontrata ni Bea na hindi siya pwedeng tumanggap ng pelikula para sa Kapamilya network na pinanggalingan n’ya.

Ang kontrata ni Bea ay gagawa siya ng pelikula at gaganap sa TV shows ng Kapuso network. Walang kontrol ang GMA 7 sa iba pang career moves n’ya na mapagkakasunduan n’ya at ng manager n’ya.

Pagtatapat ng aktres sa isang short promo film para sa nasabing brand ng alak na nu’ng 2007 pa siya unang inalok nito na maging calendar girl nila. ‘Yon ay matapos n’yang gawin ang naging hit movie nila ni John Lloyd Cruz na One More Chance.

Tinanggihan n’ya ang offer dahil ‘di pa raw siya handang gumawa ng sexy pictorials.

“When I was asked the second time parang everything was just falling into place and I felt empowered, I felt like I was ready for a change and I was ready. I couldn’t really think of reasons why I shouldn’t do it so I said — yes,” Alonzo said in the short film.

Paliwanag pa n’ya: “My idea of a calendar girl is someone who is empowered, someone who is confident and someone who knows what she wants. Somehow ‘yung branding nito resonates with me, with the branding that I want for myself.”

Sa nasabing short film, walang binanggit si Bea na tinanggap n’ ya ang alok dahil pinayagan siya ng Kapuso network. Danny Vibas