Bea, nagparamdam ng kasal kay Dominic!

Bea, nagparamdam ng kasal kay Dominic!

October 12, 2022 @ 3:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sumalang si Bea Alonzo sa lie detector test sa guesting niya sa Unang Hirit. Sinagot niya ang ilang maiinit na tanong.

Nang tanungin si Bea kung ang nobyong si Dominic Roque na ba ang gusto niyang makatuluyan sa buhay, mabilis na sagot ng aktres, “Oo naman.”

“Sana, sana. Siyempre hindi na tayo naglalaro,” dagdag niya.

Inilarawan ng aktres na husband-material para sa kanya si Dominic.

Sa pubtong ito ay mukhang may paramdam na si Bea kay Dominic sa kasal.

Samantala, hindii naman itinanggi ni Bea na nakararamdam din siya ng kilig kapag ka-eksena niya si Alden Richards sa kanilang TV series na Start-Up PH.

“Oo naman! Sino ba naman ang hindi? ‘Pambansang Bae’ ito. Tsaka guwapo si Alden, tapos the way he looks at you, parang nakakatunaw paminsan,” sabi ni Bea. Rommel Placente