Bea, pantapat sa last episode ng MMK!

Bea, pantapat sa last episode ng MMK!

December 8, 2022 @ 4:46 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Inaasahan ng GMA na papalo sa ratings ang episode ng Magpakailanman sa darating na Sabado tampok si Bea Alonzo.

Ito kasi ang pantapat ng programa hosted by Mel Tiangco sa huling three-part feature ng Maalaalala Mo Kaya.

Pagpapatuloy ito ng kuwento tungkol sa binansagang Scarlet Women led by Kaila Estrada.

It follows the story of female OFWs na napariwara ang buhay sa bansang Cyprus.

Bale this will serve as the swan song of MMK hosted by Charo Santos pagkatapos ng 31 taong pamamayagpag sa ere.

Samantala, ang ipantatapat ng MPK ay ang first ever appearance ni Bea sa nasabing drama anthology.

Obyus na sinadya ng MPK production team na ilaban ito sa MMK with the objective na kaya nilang pataubin ang kalaban sa kahuli-hulihang pagkakataon.

May halo ngang kaba ang nararamdaman ni Bea sa nasabing salpukan.

Pero umaasa siyang magii-spill over ang magandang response ng mga viewers sa kanyang Start-up Ph series na tumalo rin sa katapat nitong programa sa ABS-CBN.

In her first ever MPK appearance, Bea plays a woman na sinaniban ng demonyo dahil sa mahina niyang pananampalataya.

In case you don’t know, sa totoong buhay ay napakamadasalin ni Bea.

Ang tanong: will her prayers include toppling MMK in terms of ratings? Ronnie Carrasco III