Bea, pinagdarasal si Lolit!

Bea, pinagdarasal si Lolit!

October 10, 2022 @ 10:38 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Aware ang halos lahat ng netizens at maging si Bea Alonzo (pala) sa mga pambabatikos ni Lolit Solis.

Kung bansagan nga ng iba ang beteranang kolumnista, “Ultimate Basher ni Bea”.

Hindi kasi mawawala ang pamumuna ni Lolit kay Bea sa tuwing makakakuha ito ng pagkakataon lalo na sa kanyang Instagram account. Ang pangalawa naman, never pumatol.

Pero for the first time, nagsalita ang aktres tungkol kay Lolit.

Hindi para sagutin ang bashing nito sa kanya kundi para ipaalam na malaki ang respeto nito kay Lolit at ipinagdadasal niya ang kalusugan nito.

Bukod pa dito, mukhang hindi apektado ang aktres dahil hindi naman daw niya binabasa ang mga sinusulat ni Lolit, nalalaman na lang niya sa mga tao na nagsasabi sa kanya.

“I respect her so much, although we’ve never met, we’ve never been introduced or spoke to each other.

“I heard she’s sick at lalo na akong hindi sasagot, dadalhin ko pa ‘yan parang ang bigat-bigat.

“Let’s just stay positive. I will sincerely pray for her healing and for her to get well soon,” said Bea.

Marami naman ang sumaludo kay Bea dahil sa pagiging mahinahon nito despite the bashing that she received from Lolit.

Will this make Lolit stop from bashing her? Hmmmm. Paula Jonabelle Ignacio