Bea, tinawag na losyang!

Bea, tinawag na losyang!

June 29, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines- Sa Instagram account ay nagpatutsada na naman ang veteran manager na si Lolit Solis kay Bea Alonzo. Mukhang malaki ang tampo ni Lolit dito.

Ikinumpara ni Manay Lolit si Bea kay Marian Rivera. Ayon sa kanya, sa kabila ng may dalawang anak na si Marian ay mas mukhang nanay pa umano si Bea.

Post ni Lolit, “Nagtataka ako Salve kung bakit 2 na anak ni Marian Rivera, pero parang mas mukhang nanay si Bea Alonzo. Dahil kaya mas alaga ng Kamiseta Skin ni Cris Roque si Marian Rivera, dahil mas effective itong endorser kesa kay Bea?

“Ano kaya ang dahilan at mukhang losyang si Bea, Salve at Gorgy? Dahil kaya masyado siyang power tripper at iyong bitterness niya sa buhay, apektado ang physical looks niya kaya ganu’n? Dahil siyempre wala siyang Dingdong Dantes at dalawang magandang anak, baka meron siyang jealousy na nadarama kay Marian at siyang dahilan kung bakit meron siyang negative aura hindi kaya?” Rommel Placente