Beach date nina Kobe at Erika, buking!

Beach date nina Kobe at Erika, buking!

June 19, 2022 @ 4:21 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Curious ang mga netizen kung saan at paaano nagkrus ang landas nina Kobe Paras at Erika Poturnak.

Si Kobe ay anak ni Benjie Paras kay Jackie Forster, samantalang si Eriika ay panganay na anak ni Ina Raymundo.

Hindi na sana mabubukelya ang kanilang date hadn’t Erika posted some photos on Instagram with some friends at the beach.

Nagkataong nasa grupo si Kobe at ni-reshare niya ang mga photos.

Ang nakapagtataka, pareho nang deleted ang mga beach photos.

Maraming netizens tuloy ang nagsi-ship o nagba-back up if ever may namumuong relasyon kina Kobe at Erika.

Small world nga naman.

Pareho pa silang born to showbiz parents.

To top it all, bukod sa guwapo’t maganda sila respectively, maganda rin ang pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanila.

Kakaiba rin daw sina Kobe at Erika compared to most celebrity couples na masyadong open at visible.

Call it discreet. Ronnie Carrasco III