Beach Volleyball Challenge Cup sisipa sa Biyernes

Beach Volleyball Challenge Cup sisipa sa Biyernes

February 23, 2021 @ 8:09 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nakatakdang ganapin ng Philippine SuperLiga (PSL) ang unang kompetisyon sa 2021 sa pagsiklab ng Beach Volleyball Challenge Cup sa Biyernes sa sand courts sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Walong team ang magsasagupa kasama ang guest squad na  Kennedy Solar Energy-PetroGazz.

Ayon sa ulat, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang torneo sa inilabas na Resolution 79 kung saan pinapayagan ang pagdaraos ng beach volleyball tourney gamit ang bubble setup sa Subic.

Gaganapin ang laro sa venue na ginamit noong 30th Southeast Asian Games nitong December 2019.

“We want to thank the teams, especially our guest team PetroGazz, for helping us restart our beach volleyball tournament using a bubble setup,” ani PSL chairman Philip Ella Juico.

“We also want to thank the IATF Region 3 and the SBMA for supporting us and making sure that our delegates, especially the athletes, will be safe from contracting coronavirus disease,” dagdag pa nito. Rico Navarro


  •  
  •  
  •