Bearis bagong PRO-7 chief!

Bearis bagong PRO-7 chief!

December 21, 2022 @ 8:39 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Si Police Brigadier General Jerry Bearis ang bagong direktor ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) matapos niyang palitan si Police Brigadier General Roderick Augustus Alba na ngayon ay nakatalaga sa Human Resource Development Division sa Camp Crame.

“I am deeply honored and humbled to accept the position. As the new PRO-7 director, I urge you to continue your determination and enthusiasm,” ani Bearis sa kanyang talumpati.

Si Bearis ay dating direktor ng Police Regional Office sa Central Luzon (PRO-3).

Siya rin ang dating Chief Regional Staff ng National Capital Region Police Office; Deputy District Director for Administration of the Eastern Police District, NCRPO; Deputy Director for Administration ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group; Deputy Director ng Police Security and Protection Group ( PSPG) at kalaunan ay Chief of Staff ng PSPG.

Bukod dito, itinalaga rin si Bearis bilang Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office, Masbate Police Provincial Office, at iba pa.

Sa kanyang talumpati, umaasa si Bearis na makatanggap ng parehong suporta mula sa mga tauhan ng PRO-7, tulad ng nakaraang pamunuan, upang ipagpatuloy ang epektibong mga programa at operasyon ng rehiyon sa usapin ng mga alalahanin sa kapayapaan at kaayusan.

Binigyang-diin ni Bearis sa kanyang mga tauhan ang No-Take Policy o pagtanggap ng pera mula sa lahat ng iligal na aktibidad at ibinunyag din ang kanyang mahigpit na paalala na ipapatupad ng pulisya ang batas, lalo na laban sa mga nagkakamali na co-policemen.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Alba na career advancement ang dahilan kung bakit siya na-relieve sa kanyang puwesto. RNT