Bea’sugar mommy’ ni Dominic?

Bea’sugar mommy’ ni Dominic?

July 8, 2021 @ 7:19 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Pagkapirma ni Bea Alonzo ng kontrata sa Kapuso network, sinabi ng brand new Kapuso star na magbabakasyon muna siya sa Amerika bago siya magsimulang gumawa ng project. Hindi n’ya nabanggit na makakasama n’ya ang ‘di-aktibong aktor na si Dominic Roque, na ‘di naman n’ya inaamin na boyfriend n’ya kahit ilang beses na silang nabisto ng netizens na nagde-date.

Walang balita na sabay silang umalis pero bistado na sabay silang dumating sa Los Angeles airport sa California, USA nu’ng July 6 (sa US pero July 7 na ang petsa sa Pilipinas).

‘Di sila nakatanggi sa mga Pinoy na empleyado sa airport na makipag- selfie sa kanila. ‘Di kaya nila naisip na may makakakilala sa kanila na mga Pinoy sa airport pa lang?

Actually, ipinagpatuloy pa rin ng “secret” lovers ang gimmick nila na ‘di sila nagpo-post sa respective Instagram nila ng pictures na magkasama sila sa Los Angeles.

Madalas, parehong araw sila nagpo-post ng pictures nila sa mga date nila kaya madaling naima-match ng eagle-eyed netizens ang common details sa hiwalay na posts nila.

Malamang, madadagdagan ang netizens na inis o galit kay Bea dahil sa paglipat n’ya sa Kapuso network buhat sa Kapamilya. Titindi ang galit nila dahil ‘di agad ipinagtapat ng aktres na bibitbitin pala n’ya sa Amerika si Dominic na ‘di naman n’ya inaamin na boyfriend n’ya.

Malamang na may mga nagsususpetsa na ngayon na si Bea ang gumagastos para sa bakasyon grande nila sa Los Angeles (at posibleng sa ilang bahagi na rin ng California o ng Amerika). May mga nagsususpetsa nang ganu’n dahil wala namang showbiz projects si Dominic.

Isang ramp model din si Dominic pero wala namang malalaking modeling shows sa bansa sa panahong ito ng pandemya. Wala rin sa ibang bansa. Kung may ganu’ng involvement si Dominic, siguro naman ay ipo-post n’ya.

Of course, posibleng may mga negosyo si Dominic o anak-mayanan siya kaya ‘di n’ya kailangang magtrabaho para makapag-pleasure trip sa Amerika. Malay natin na baka siya pa nga ang gumagastos sa bakasyon nila ngayon ni Bea sa Amerika.

Pero ‘di siguro maiiwasan na may mga netizen na nag-iisip na parang umaastang “sugar mommy” si Bea sa pagsasama n’ya kay Dominic, na ang alam ng madla ay walang malaking pinagkakakitaan. Balita pa naman na maraming successful na negosyo si Bea bukod pa sa ekta-ektaryang farm n’ya sa Zambales. Posible rin na binigyan ng GMA 7 nang malaking advance payment si Bea para pumirma na siya ng kontrata sa network.

Ang isa pang palaisipan ngayon para sa mga netizen ay kung ano ang napapala ni Bea sa ‘di n’ya pag-amin na hibang na hibang siya kay Dominic kaya kailangan n’yang isama ang aktor sa pleasure trip n’ya sa Amerika. Danny Vibas