Beatrice, may boyfriend reveal?

Beatrice, may boyfriend reveal?

February 17, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Kung may nag-drama, may naging bitter, at may na-in love sa araw ng mga puso, si Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez, may Valentine date reveal.

Sa Instagram account ng beauty queen, ibinahagi nito ang photo niya with his date with a simple yet sweet caption, “Valentine’s Day,” with a black heart.

Hindi pinangalanan ni Beatrice ang kanyang date pero makikita sa instagram story nito na tagged ang musician na si John Odin.

Matatandaang umingay ang lovelife ni Gomez matapos ang hiwalayan nila ng former partner na si Kate Jagdon noong November 2021.

Iba’t-ibang komento tuloy ang natanggap ng beauty queen lalo’t halos tatlong buwan pa lamang mula nang i-end nito ang anim na taong relasyon sa kanyang LGBT member na ex-girlfriend. Paula Jonabelle Ignacio