Beauty queens sa bansa, hati ang opinyon sa pagsali ng trans woman sa Miss Universe 2018

Beauty queens sa bansa, hati ang opinyon sa pagsali ng trans woman sa Miss Universe 2018

July 13, 2018 @ 11:46 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa gaganaping Miss Universe pageant ngayong taon, lalahok sa kauna-uanahang pagkakataon ang isang transgender woman na si Angela Ponce ng Spain na siyang umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga beauty queens ng Pilipinas.

Unang nagpahayag ng kaniyang pagtutol si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez na sumali ang trans woman sa Miss Universe pageant.

Nilinaw ni Winwyn, 26-anyos, na wala siyang anumang isyu sa transgenders at masaya rin daw siya na bukas ang bansang Spain para payagan si Ponce na makasali sa pageant.

“I have nothing against transgenders.”

“Pero Miss Universe per se, sana ibigay na lang sa natural-born women,” paliwanag ni Marquez.

Dagdag pa niya, mayroon naman daw ‘Miss International Queen’ na isang ring prestihiyosong pageant na esklusibo talaga para sa mga transwomen.

“And I think, parang let’s just give it for natural-born women, and for transgenders to have their own prestigious pageant.”

“It’s tradition for Miss Universe. Pero kung ia-allow naman ng Miss Universe Organization, then we should accept it also, walang problema.”

Sa kabilang dako, wala namang problema kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pagsali ng isang trans sa pageant.

“It is allowed to Miss Universe. You can compete and you can win”

“You don’t have to be natural born woman to win Miss Universe” dagdag pa niya.

Gaya ni Wurtzbach, okay lang rin sa pambato ng Pilipinas na Miss Universe 2018 na si Catriona Gray ang pagsali ni Ponce.

Samantala, wala pang official statement ang Miss Universe Organization kung pahihintulutan nilang makasali si Angela sa susunod na Miss Universe pageant. (Remate News Team)