Bebot, 2 kasabwat kulong sa nakaw na P.3M bintana matapos magngusuan

Bebot, 2 kasabwat kulong sa nakaw na P.3M bintana matapos magngusuan

September 24, 2022 @ 10:33 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kalaboso ang isang bebot at dalawa niyang kasabwat dahil sa umano’y pagnanakaw ng P292,700 halaga ng mga sliding at awning windows sa isang bodega sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City.

Dinakip sina Marivic Manaog, 29, office staff, ng Barangay Paso De Blas; Mark Dorenn Alcomendras Ortega, 30, supervisor, ng Barangay Gen. T. De Leon, at; Ferdinand Pletchetero, 31, production staff, ng Barangay Bignay, pawang ng lungsod, at mga empleyado ng isang kumpanya ng bintana.

Ayon sa pulisya, nabulaga ng isang srtaff ng kumpanya si Pletchetero na na naglalabas ng limang pirasong sliding windows na may screen at nang tanungin ni Daisy ang manager kung siya nagbigay ng order na ilabas ang mga sliding windows, ay itinanggi ito ng manager.

Dito ay inginuso na umano ni Pletchetero sina Manaog at Ortega na siyang nag-utos sa kanya.

Agad dumulog si Daisy at ang general manager ng kumpanya sa dalawang miyembro ng barangay security force at pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nasamsam ng mga pulis ang 79 pirasong sliding windows with screen, at 43 piraso ng awning clear glass windows sa bahay ni Manaog. Merly Iral