Bebot binitbit sa P.1M bato

Bebot binitbit sa P.1M bato

July 29, 2022 @ 2:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ng mga operatiba ng Las Piñas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang babaeng drug pusher matapos makuha sa kanyang posesyon ang mahigit P100,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation nitong Hulyo 28.

 

Kinilala ni Las Piñas City police chief Col. Jaime Santos ang inarestong suspect na si Analyn Idong, 43, residente ng Barnagay Zapote, Las Piñas City.

 

Base sa report na nakarating kay Santos, matagumpay na naisagawa ng SDEU ang buy-bust operation laban sa suspect dakong ala 1:00 ng madaling araw sa Casimiro Avenue, Barangay Zapote, Las Piñas City.

 

Sinabi ni Santos na isinagawa ng SDEU ang buy-bust operation matapos magpositibo ang impormasyon na natanggap ng nabanggit na unit tungkol sa illegal na aktibidad ni Idong na kinikilalang big-time drug pusher sa kanilang lugar.

 

Sa naturang operasyon ay nakumpiska sa posesyon ng suspect ang 15.3 gramo ng do-umano’y shabu na nagkakahalaga ng P104,040 at ang P300 buy-bust money.

 

Ang nakumpiskang shabu na gagamiting ebidensya laban kay Idong ay dinala sa Southern Police District (SPD) Forensic Unit para sumailalim sa chemical analysis habang si Idong na kasalukuyang nakapiit sa SDEU custodial facility ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal possession of prohibited drugs sa Las Piñas City prosecutor’s office. James I. Catapusan