Bebot binoga sa ulo ng dayo

Bebot binoga sa ulo ng dayo

July 5, 2022 @ 2:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang babe matapos barilin sa ulo ng isang gunman sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Mariafe Villafranca na umanoy dati nang nasangkot at nakulong dahil sa iligal na droga.

Sa ulat, napansin ang gunman na pumasok ang biktima sa compound ng Happy Land sa Brgy. 105 sa Tondo.

Ayon sa mga taga-barangay, hindi kilala ang suspek sa lugar kaya maari umanong sinundan ang biktima na noon ay dumalaw lamang umano sa kanyang hipag.

Ang suspek ay nakita sa CCTV ng barangay nitong Lunes ng hapon na nakasuot ng kulay puting t-shirt ay may dalang baril.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulsiya sa nangyaring krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden