Bebot buking sa “kanin con shabu” para sa jowang nakakulong

Bebot buking sa “kanin con shabu” para sa jowang nakakulong

September 7, 2021 @ 8:25 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Sa karsel humantong ang isang bebot na inalipin ng pag-ibig at nabuking nang tangkaing dalhan ng shabu ang nakakulong na boyfriend sa pamamagitan ng paghahalo nito sa nakabalot na kanin sa Caloocan City.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Erica Rivera y Borjal, 40, dalaga, walang hanapbuhay, ng 49 Zapote Street Bagong Barrio Caloocan City.

Naganap ang insidente sa Bagong Barrio Police Sub Station 5, Brgy 146 Caloocan City.

Iniinspeksyon ng mga pulis ang dalang pagkain ni Rivera para sa kanyang nakakulong na boyfriend nang may mapunang kakaiba sa nakabalot na kanin.

Nang pabuksan ito sa suspek ay bumulaga ang nakapalamang sachet ng shabu at agad siyang dinamba.

Kinumpiska sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng 0.9 gramo ng shabu na may halagang P6,120; isang asul na eco bag, at; isang plastic na naglalaman ng kanin. Merly Iral