Bebot isinelda sa pagnanakaw sa Malabon

Bebot isinelda sa pagnanakaw sa Malabon

March 17, 2023 @ 1:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Swak sa selda ang isang 28-anyos na dalaga na dumayo pa para magnakaw ng cellphone sa Malabon City, kahapon ng umaga, Marso 16.

Nahaharap sa kasong Theft ang naarestong suspek na kinilala bilang si Rhealyn Hernandez ng 735 Lecheros Street, Barangay 61, Zone 5, Tondo, Manila City.

Sa report ni PSSg Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, dakong alas-7:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktimang si Mark Anthony Lapada, 38, sa 254 Sanapu Hoa, Sito 6, Brgy. Catmon.

Lumabas sa imbestigasyon na natutulog ang biktima nang pumasok ang suspek sa kanyang bahay ng walang pahintulot saka kinuha ang cellphone ni Lapada na nagkakahalaga ng P5,000.

Gayunman, biglang nagising ang biktima at hinabol ang suspek saka humingi ng tulong sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 4 na sina PSSg Johnny Baruela Jr at PCpl Dominic Kinkito na nagresulta sa pagkakadakip kay Hernandez at nabawi sa kanya ang nasabing cellphone. Boysan Buenaventura