Bebot na angkas pisak sa truck

Bebot na angkas pisak sa truck

January 19, 2023 @ 1:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Todas ang isang bebot na angkas nang masalpok ng truck ang sinasakyan niyang motorsiklo, pumailalim at magulungan pa ang biktima, sa Caloocan City habang nakaligtas ang rider na kanyang utol.

Agad nagkikisay si Joyce Anne Vedasto, 24-anyos, habang wala na sa panganib ang nakaligtas niyang kapatid na si Jeffrey.

Nangyari ang insidente sa Barangay 168, kung saan nasapul ng 10-wheeler truck ang motorsiklo ng magkapatid sa Deparo Street.

Muntik na ring pumailalim sa truck si Jeffrey ngunit pinalad, habang natumbok din ng truck ang nakatigil na dump truck sa gilid ng kalsada.

Tinangka pa ng kapatid ng biktima at ilang nasa lugar na patigilin ang truck ngunit nagtangka pa umano itong umabante.

Murder ang haharaping kaso ng nagmamaneho ng truck na si Rolly Escala, na dinakip na ng mga pulis at kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya.

Sangga ni Escala, alam niyang may pumailalim sa truck pero nawalan umano siya ng preno, na sinabayan naman ng takas ng kanyang pahinante. Merly Iral