Bebot na fixer sa police applicants timbog

Bebot na fixer sa police applicants timbog

May 28, 2021 @ 6:09 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Naaresto ng Philippine National Police ang naarestong 35-anyos na fixer sa police applicants kapalit ng P50,000.

Sa press conference, inanunsyo ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang pagkakaaresto kay Evelyn Aleman alias Evah Fonda, residente ng Bicutan, Taguig City.

Kasabay na naaresto ang suspek nang ilunsad ng PNP ang Comprehensive Online Recruitment Encrypting System (CORES).

Sa ulat, nagsagawa ng entrapment operation conducted sa harap ng Department of Science and Technology sa kahabaan ng General Santos Avenue, Upper Bicutan, Taguig City.

“May malakas ang loob pa rin na nakikipag-usap sa ating mga recruits, humihingi ng pera kapalit ng P50,000 para siguraduhin na makakapasok sila particular itong neuro-psychiatrict test,” ani Eleazar.

Napag-alaman din na nag-aalok si Aleman sa kanyang Facebook account.

“Itong suspect naghahanap ng kanyang mga kliyente para tulungan diumano na makapasok sa PNP kalapit ng P50,000 at sinasabi rin niya  na meron siyang contact sa Health Service na kung saan siya magpa-faciliate ng particular neuro-psychiatric test at babantayan pa ‘yung ibang proseso and according to her, ito ay dati na niyang ginagawa,” saad ni Eleazar.

Sinabi rin na may tumutulong kay Aleman na isang Police Colonel para magtagumpay sa naturang scheme.

“Kung meron pa mag-attempt, subukan nila kami. Subukan nila ang PNP ngayon. We are committed na itigil na itong padrino system, palakasan, at corruption pati ‘yung extortion na ginagawa,” babala pa nito. RNT/FGDC